IMPORMASYON SA PAGBOTO

Magparehistro

Magparehistro para makaboto sa susunod na halalan.

Upang makapagparehistro, kailangan na kayo ay isang mamamayan ng Estados Unidos, at ang edad ninyo ay hindi bababa sa 18-anos sa araw ng halalan, at residente kayo ng estado na inyong tinitirhan. Kailangang mag-rehistro uli kung nagbago ang inyong address, party affiliation o pangalan magmula noong huling pag-rehistro.

Kinakailangan ng maraming estado na kayo’y mag-rehistro bago araw na halalan. Tiyakin ang mga detalye para sa inyong estado.

Mga Paraan sa Pagboto

May tatlong paraan upang makaboto.

Maagang Pag-boboto

Sa ilang estado,mayroong in-person opsiyon upang makaboto ng maaga bago maghalalan. Maaring bumoto ang mga botanteng rehistrado sa piniling panahon bago Araw ng Halalan. Bawat estado o kapangyarihan ay may iba’t ibang patakaran at panahon ng pagboboto. Unawain ang mga detalyang ito ng inyong estado.

Absentee Voting (sa koreo)

Makukuha ng lahat ng botante ang Absentee ballots sa lahat ng estado, bagama’t iba’t iba ang mga pag babawal ng bawat estado. Magkakaiba ang paraan ng absentee voting – kadalasan sa koreo na darating sa inyong tahanan – upang kayo’y makaboto bago o sa araw mismo ng Halalan. Maraming estado ang pumapayag ng Absentee Voting na hindi kailangan ng excuse o dahilan, pero may mga estado din na kailangan nila ng excuse para sa absentee voting.

Pag Boboto sa Araw ng Halalan

Ang Araw ng Halalan ay gaganapin sa unang Martes ng Nobyembre. Maari kayong bumoto sa araw na ito, pero sa mga piniling lugar lamang at oras na bukas ang mga precinto. May mga estadong nangangailangan ng valid photo ID bago kayo makaboto. Bibigyan kayo ng provisional ballot kung walang valid photo ID. Unawain ang mga voter ID requirements ng inyong estado. Pag-malapit na ang Araw ng Halalan,  hanapin ninyo dito ang inyong polling location.

Ang Araw ng Halalan

Sa araw ng halalan, makakaboto kayo para sa inyong mga napiling kandidato, halimbawa Presidente, Bise Presidente, at iba pang mga opisyal, tulad ng inyong senador o mayor. 

Tandaan po natin na sa maraming estado, kailangan ninyong magdala ng identipikasyon upang bumoto. Ang inyong lisensiya o ibang identipikasyon na ibinigay ng gubyerno ay dapat tanggapin sa lugar ng halalan. Kung hindi kayo sigurado kung kailangan niyo ng identipikasyon, puntahan ang inyong lokal na opisina ng halalan, o tawagan lamang ang voter hotline 1-888-API-VOTE (1-888-274-8683).

Ano ang nasa iyong Balota

Tingnan ang iyong rehistro, gumawa ng plano upang bumoto, at unawaiin ng husto bawat pangalan at panukalang batas sa BallotReady.org.

Mga Karapatan ng Mga Botante

Sa karamihan ng mga estado, hindi kayo hahanapan ng identipikasyon para makaboto kayo. Pero kung ito ay inyong unang pagboboto, o nagparehistro kayo by mail, kailangan ninyong magdala ng identipikasyon. Para makasigurado, magtanong sa inyong lokal na opisina ng halalan, o dalhin na lang ang inyong identipikasyon na may litrato.

Sa karamihan ng mga estado, ang inyong lisensiya o kahit anong identipikasyon na gawa ng gobyerno ay matatanggap. Kung wala kayong identipikasyon, sa karamihan ng mga estado, makakakuha kayo ng libreng “voting ID” sa opisina ng inyong lungsod.

Kung ang inyong estada ay nangangailangan ng identipikasyon at hindi kayo nakapagdala,, maaari ding bumoto sa pamamagitan ng “provisional ballot.” Karapatan ninyong bumoto sa pamamagitan ng “provisional ballot.”

Ayon sa batas, walang karapatang magtanong ang opisyal o bantay ng halalan tungkol sa inyong pagkatao.

Kung nahahalata ninyo na hinihingan kayo ng identipikasyon ngunit hindi hinihingan ang ibang mga botante, tumawag sa 1-888-API-VOTE.

Paraan ng Pagsasalin sa Ibang Wika

Hindi niyo kailangang maka-salita, maka-basa, o maka-sulat ng Ingles upang makaboto. Kailangan lamang na kayo ay nakarehistro. Sa ilang mga lunsod, ang mga balota ay nakasalin sa iba’t-ibang wika. Kung nakatira kayo sa isa sa mga lungsod na ito, makakatanggap kayo ng balota na nakasalin na sa Tagalog. Ito ay karapatan ninyo ayon sa batas, ang Seksyon 203 ng Voting Rights Act. Tingnan ang listahan dito: https://www.apiavote.org/section-203.

Sa lahat ng lungsod, puede kayong magsama ng inyong kapamilya o kaibigan para makatulong sa inyong pagboto. Ito ay karapatan ninyo ayon sa batas, ang Seksyon 208 ng Voting Rights Act.

Kung may tanong kayo or kailangan ninyo ng tulong, tawagan lamang ang 1-888-API-VOTE (1-888-274-8683). May tao na makakatulong sa inyo English, Mandarin, Cantonese, Korean, Vietnamese, Tagalog, Urdu, Hindi, and Bengali.